A Playhouse Is More Than Child’s Play

By reflexes April 23, 2009  

Have you ever paused to think of the value kids get out of toys and playing? Toys tend to be typically seen as mere entertainment for children. But if we look back at our own childhood, our toys, and our child games, a lot of us will probably realize how we picked up one or two learnings through these. A seemingly useless toy can potentially nurture imagination and creativity in some children. So the next time you see a playhouse, think that it as more than just a small building. It is a potential tool for character building.

playhouse.jpeg

Tagalog Translation:
Napatigil ka na ba minsan para isipin kung ano ang halaga na nakukuha ng mga bata sa mga laruan o paglalaro? Ang mga laruan ay madaling isipin biling simpleng kaaliwan lamang para sa mga bata. Pero kung babalikan natin ang ating kabataan, ang ating mga laruan, at ang ating paglalaro bilang bata, marami siguro sa atin ang makakaisip kung paano tayo nakapulot ng isa o dalawang mahalagang natutunan sa pamamagitan ng mga ito. Ang isang mukhang walang katuturang laruan ay may potensyal na magpalago ng imahinasyon at pagkamalikhain sa ilang mga bata. Kaya sa susunod na makakakita kayo ng isang bahay-bahayan, isipin ninyo na ito ay hindi lamang maliit na gusali. Ito ay may potensyal sa pagtatayo ng karakter.

15 comments

1 Gmirage { 04.23.09 at 1:32 pm }

I agree! Dito din nakikita ang potensyal ng isang bata sa pagiging palaisip nya, at malaon ay nakakahugot doon ng inspirasyon. Great shot!

2 iska { 04.23.09 at 5:26 pm }

I have worked with kids during last year’s World Architecture Day. Guide namin sila sa lahat ng proseso mula sa konsepto hanggang drawing at pagtatayo ng gusali at ang kanilang project ay ang kanilang plaground. talagang kakaiba ang mga idea ng mga bata. it was a wonderful experience.

3 Pinky { 04.23.09 at 6:20 pm }

Ganda naman ng playhouse na ito - talagang mai-inspire ang creativity ng mga bata! And I agree, for kids, play is work. :)

4 Julie { 04.23.09 at 8:18 pm }

Kapag ganyan kaganda ang playhouse, ang sarap maglaro:)

5 Jay - Agent112778 { 04.23.09 at 9:05 pm }

ay ingit ako, ako noon walang ganyan kaya nakuntento nalang ako sa ilalim ng mesa :(

sana maibigan nyo rin ang aking lahok

magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

6 Ritchiela { 04.23.09 at 10:43 pm }

Play is also considered early learning…wala po kaming playhouse dati,kaya nung araw ko, gawa lang kaming temporary na bahay-bahay kamo tru coconut leaves etc…haha. Kung nagkataon na mayaman kami,siguro nasa construction industry ako ngayon,kahit na engineer lang okay na :D,galing ko nun eh **lol***

7 jeanny { 04.24.09 at 2:08 am }

Lovely playhouse. When I was a kid, I dreamt of having one kaso wla kaming place para ipagpatayo ako ng father ko, hehe.

Happy LP

8 Rico { 04.24.09 at 10:09 am }

Ang ganda namang laruan yan. Dapat yata iyan ang ilagay kong header pic ng blog ko ah!

9 Thess { 04.24.09 at 6:18 pm }

Hello Roselle, kumusta ka na?!

Agree ako sa tinuran mo. Dahil sa paglalaro ay nahuhubog ang isipan ng mga paslit.
Kay gandang playhouse naman nito…sa backyard mo ba? :)

10 laagan { 04.25.09 at 12:14 am }

this is beautiful. am sure madaming mga batang napasaya ang playhouse na ito

11 a blessed life { 04.25.09 at 12:49 pm }

hello sis! how are u? cencia na ngayon lng nakadalaw uli…thanks for the visit ha! miss ur blog in fairness! :) oh, love that playhouse! :)

btw, i’ve already added ur other blog..sorry ha i forgot about it :)

nyways, take care! have a great blessed weekend! :)

12 peachy { 04.26.09 at 4:39 pm }

salamat sa pagbisita… pangarap ko nun bata ako ang magkaroon din ng bahay-bahayan :-)

13 Marly { 04.28.09 at 4:34 am }

Would love to have one for my niece and nephew back home :)

14 Rach (Heart of Rachel) { 04.28.09 at 4:20 pm }

That’s a beautiful playhouse. I remember the nice playhouse we had in school. I remember looking forward to recess so I could go to the playhouse with my classmates.

15 tin { 05.06.09 at 1:30 pm }

ang ganda ng playhouse! sa future homes natin sarap maglagay ng ganyan. :)

Leave a Comment

  • Welcome to Reflexes!

    Reflexes are an unlearned or instinctive response to stimulus. Undeniably, some people discover new ‘reflexes’ when they become a parent. To dads and mums out there, you know what this means…

    This weblog is dedicated to these people who have, or are still, discovering these REFLEXES…